Hindi dadalo si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa anumang hearing na isasagawa ng Kamara kaugnay sa inihaing impeachment laban sa kanya.
Ayon kay Atty. Josa Deinla, isa sa mga legal counsel ni Sereno, mas pagtutuunan ng pansin ni Sereno ang kanyang tungkulin bilang Punong Mahistrado lalo’t maraming kaso ang dapat tutukan ng Korte Suprema.
Bukod sa pagiging pinuno ng Supreme Court, si Sereno rin ang head ng Judicial and Bar Council, Titular Head First Division ng SC at presiding officer ng Presidential Electoral Tribunal o PET.
Iginiit ni Deinla na mariin pa ring ikinukunsidera ng Chief Justice na i-cross-examine ng kanyang mga abogado ang mga testigo na kinabibilangan ng anim na mahistrado.
—-