Inimbita na ng House Committee on Justice si Chief Justice Maria Lourdes Sereno upang dumalo sa hearing hinggil sa impeachment case laban sa kanya.
Kinumpirma ni Committee Chairman Reynaldo Umali na sa Miyerkules, Nobyembre 22 ay magsasagawa ng hearing ang kumite upang i-determina kung may probable cause sa kaso laban kay Sereno.
Magugunitang sinampahan ng impeachment case ni Atty. Larry Gadon ang punong mahistrado sa Kamara matapos akusahan ng culpable violation of the constitution, korapsyon at iba pang high crimes at betrayal of public trust.
Napatunayan ng kumite na sufficient in form and substance ang reklamo ni Gadon laban kay Sereno.