Hindi isu-subpoena kundi muli na lamang ipapatawag ng House Justice Committee si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ito, ayon kay Committee Secretary, Atty. Rene Delorino, Committee Secretary, para humarap ang punong mahistrado sa impeachment hearing sa susunod na linggo sa Kamara.
Sinabi ni Delorino na imbitasyon lamang at hindi pa subpoena ang ipinadala nila kay Sereno at sa 11 pang indibiduwal.
Kasama rin sa mga pahaharapin sa pagdinig bilang resource persons sina Associate Justice Teresita De Castro, Court Administrator Midas Marquez, Spokesman Atty. Theodore Te, Clerk of Court Felipa Anama, Associate Justice Noel Tijam, Justice Secretary Vitaliano Aguirre at ang reporter ng Manila Times na si Jomar Canlas.
Magugunitang si Canlas ang itinuturo ni Atty. Larry Gadon na siyang nagbigay ng impormasyon sa pagbabago ni sereno sa draft TRO ni De Castro kaugnay sa usapin ng Senior Citizens Party-list.
—-