Pina-alalahanan ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang mga local court judge na wala sa bulwagan ng Korte Suprema ang pinaka-matinding laban na kanilang kahaharapin bagkus ay nasa kanilang mga sala.
Ito ang inihayag ni Sereno mahigit isang linggo makaraang magpasya ang House Committee on Justice na sufficient in ground sa botong 5-2 ang impeachment na inihain ni Atty. Larry Gadon laban sa punong mahistrado.
Sa 24th Annual Convention at Biennial Election ng Philippine Trial Judges League Incorporated sa Palo, Leyte, inihayag ni Sereno na dapat maging totoo sa kanilang mga sinumpaan ang mga hukom.
Dapat din anyang panindigan ang kanilang mga tungkulin, umiwas sa pulitika, magdesisyon ng naayon at patas sa bawat kasong hinahawakan.
Aminado ang punong mahistrado na hindi siya nagtungo sa naturang event para lamang hilingin ang suporta ng mga kapwa hukom bagkus ay dapat na pag-igihan ng mga ito ang pagtatrabaho nang may integridad at ipagtanggol ang konstitusyon.