Wala pa sa isip ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na magbitiw sa pwesto.
Ito ang iginiit ni Atty. Carlo Cruz, spokesman ni Sereno sa gitna ng panawagan ni Atty. Larry Gadon na mag-resign na ang punong mahistrado upang maiwasang mapahiya sa impeachment proceedings laban sa kanya.
Nanindigan si Cruz na ang tunay na layunin ng mga reklamo laban kay Sereno ay durugin ang kanyang kredibilidad na hadlang sa kalayaan ng hudikatura na inaasahan ng mga mamamayan na magtatanggol sa kanilang karapatan.
Sa ngayon anya ay hinihintay na lamang ng Office of the Chief Justice ang mga kopya ng reklamo bago sila maglatag ng mga ligal na aksyon.
SMW: RPE