Dead-on-the-spot ang chief of police ng Ampatuan Municipal Police Station sa Maguindanao matapos tambangan sa Brgy. Kapinpilan sa bayan ng Ampatuan pasado alas-9 kaninang umaga.
Sa report na nakarating sa kampo krame, kinilala ang biktima na si police lt. Reynaldo samson samantalang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawa pang sakay ng mobile nang mangyari ang naturang pamamaril.
Sinasabing magsisilbi lamang ng warrant of arrest ang pulisya sa lugar nang tambangan ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek.
Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.