Sinibak mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hepe ng Bacolod City Police na si S/Supt. Francis Ebreo dahil sa pagkakasangkot umano nito sa operasyon ng iligal na droga.
Sa isang kalatas na inilabas ng PCOO o Presidential Communications Operations Office, inanunsyo mismo ng pangulo ang pagkakasibak kay Ebreo sa kaniyang talumpati sa isang event sa L’Fisher Hotel sa lugar.
Maliban kay Ebreo, inanunsyo rin ng pangulo ang pagkakasibak ng may apat pang opisyal ng pulisya na pinangalanan nitong sina Supt. Nasruddin Daud Tayuan, Supt. Richie Makilan Yatar, Supt. Allan Rubi Macapagal at S/Insp. Victor Paulino.
Ayon mismo sa pangulo, pinoprotektahan umano ng mga nabanggit na pulis ang operasyon ng sindikato roon kaya’t laganap ang iligal na droga sa lungsod.
Mga opisyal ng Bacolod City Police Office, sinibak sa puwesto dahil sa pagkakasangkot umano sa iligal na droga | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/YRts7u8P8V
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 13, 2019