Chihuahua mula sa Ohio tinaguriang pinakamatandang aso sa buong mundo ng Guinness World Records.
Ayon sa Guinness World Records, natagpuan si Spike ng kanyang owner na si Rita Kimball, noong siya ay 10 taong gulang na may “mga mantsa ng dugo sa kanyang leeg mula sa isang kadena o lubid.”
Samantala, ibinahagi ni Rita ang dahilan kung bakit umabot sa 23 taong gulang si Spike ay ang kanyang routine, na kinabibilangan ng paglalakad sa umaga, healthy diet, at unlimited sa pagmamahal at atensyon.
Ang Guinness World Record para sa pinakamatandang nabubuhay na aso ay dating pag-aari ng 22-anyos na si Gino. – sa panulat ni Kim Gomez