Nagdeklara ng chikungunya outbreak ang bayan ng Mlang, North Cotabato matapos na pumalo sa animnapu (60) ang nagkakasakit nito.
Ayon sa Mlang Municipal Health Office, patuloy ang ginawang fogging sa mga lugar na apektado at paglalagay ng kemikal sa mga kanal para puksain ang mga kiti-kiti.
Mula sa kagat ng lamok ang sakit na chikungunya na may sintomas tulad ng lagnat, pananakit ng ulo, pagsusuka at pananakit ng kasu-kasuan.
Samantala, patay ang dalawang bata dahil sa hinihinalang dengue sa Bacolod City.
Ayon sa Department of Health Region – Western Visayas, isasalang pa sa confirmatory testing ang blood sample ng mga biktima upang makumpirma kung dengue nga ikinamatay ng mga ito.
Umabot na sa higit isang daan at dalawampu (120) ang naitalang dengue cases sa lungsod.
By Rianne Briones