Kanya-kanyang pakulo ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila upang gawing child-friendly ang kanilang mga vaccination site.
Ito’y bilang paghahanda sa pagbabakuna ng mga edad lima hanggang labing isang taong gulang kontra COVID-19 simula bukas, Pebrero a-4.
Sa Maynila, itinalagang vaccination site ang Aviary ng Manila Zoo habang plano ng San Juan na children’s party themed ang bakunahan sa Fil-Oil Arena.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, layunin nilang mawala ang takot at kaba ng mga bata sa hiringgilya.
Inaasahan naman na darating ang unang batch ng Pfizer vaccines para sa naturang age group mamayang gabi. —sa panulat ni Mara Valle