Inilunsad ng Council for the Welfare of Children (CWC) ang isang mobile application na makatutulong sa mga bata at magulang na nangangailangan ng psychosocial help.
Ayon kay Jhie Mojica ng CWC, ang child protect mobile app ay makakatulong sa mga batang nakararanas ng anxiety, takot, at pang-aabuso sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ang naturang app ay bahagi ng CWC Child welfare hotline system, kung saan maaaring makakuha ng impormasyon at sagot ang mga mamamayan hinggil sa kanilang mental health, at nararanasang pang-aabuso, kahit pa ito’y pisikal, psychological, emosyonal, o sekswal.
Maaaring i-download ang app sa google play store.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico