Ikinasal na ang dating Child star actress na si Serena Dalrymple sa kanyang French-American boyfriend na si Thomas Bredillet.
Ibinahagi ni Serena sa kanyang Instagram stories ang mga kaganapan sa kanilang lakeside wedding.
Nagsimulang mag-date sina Dalrymple at Bredillet noong 2018, na nagkakilala sa isang dating app.
Taong 2020 naman nang bumili ang dalawa ng bahay sa New Hampshire sa US at na-engage noong 2021.
Sumikat si Serena noong 1990’s matapos lumabas sa commercial ng isang fast-food chain at nagpatuloy sa pag-arte sa mga pelikula at serye ng Kapamilya network. —sa panulat ni Jenn Patrolla