Tila isinabuhay ang kilalang children’s story na ‘Ang Pagong at ang Kuneho’ sa tortoise and hare race na isinagawa sa Wow Farm sa Beijing, China.
Makikita sa video na uploaded sa X na nagpapaligsahan ang tortoise at hare.
Sa simula ng video ay makikita na nauna ang hare kumpara sa mabagal na galaw ng tortoise.
Ngunit mas mabilis man sa kalaban, ang lamang ng tortoise sa hare ay ang pagiging focused nito sa goal dahil makikita na tila naging distracted ito sa kalagitnaan dahil sa mga nanonood.
Sa huli, nauna pa rin ang tortoise sa finish line kahit na hindi maipagkakailang lamang na lamang ang hare sa bilis ng pagkilos.
Ang race ay tumagal ng 38 seconds at mayroon nang higit 42 million views.
Ikaw, anong masasabi mo sa tila pagsasabuhay sa kinagisnang kwentong pambata?