Niyanig ng magnitude 6.8 na lindol ang bansang Chile, pasado alas-5 kaninang madaling araw (oras sa Pilipinas).
Ayon sa U.S. Geological Survey, ang epicenter ng lindol ay tumama sa karagatan sa layong 164 kilometers ng Valdivia.
Walang napaulat na casualty sa nasabing lindol sa Chile.
Kaugnay nito, inihayag ng PHIVOLCS na walang idudulot na tsunami ang nasabing lindol, saan mang baybaying dagat ng bansa.