Ayon sa USGS o United States Geological Survey, ang sentro ng pagyanig ay naitala sa dalawampung (20) kilometro kanluran ng coastal town ng Valparaiso.
Ipinabatid ng emergency office na wala namang malaking danyos ang nasabing lindol bagamat bahagyang nayugyog ang ilang gusali sa capital city ng Santiago.
Ang nasabing lugar ay nakaranas ng maraming pagyanig nitong nakalipas na linggo kabilang ang magnitude 6.9 na lindol noong Lunes.
Ang Chile na nasa Pacific Ring of Fire ay isa sa mga bansang itinuturing na most earthquake prone countries sa buong mundo.
By Judith Larino
Chile niyanig ng magnitude 5.7 na lindol was last modified: April 29th, 2017 by DWIZ 882