Niyanig ng 6. 9 magnitude na lindol ang Chile.
Ayon sa US Geological Survey, natukoy ang sentro ng lindol sa layong 93 kilometro hilagang kanluran ng Coquimbo at may lalim na 10 kilometro.
Sa kabila nito, wala namang napaulat na pinsala at wala ring naidulot na tsunami ang naturang paglindol.
Ang Chile ay malimit na makaranas ng lindol kung saan pinakamalakas ay naitala noong 1960 na nasa magnitude 9.5 at 2010 na nasa magnitude 8.8.
By Ralph Obina