Dumating na sa bansa kaninang 1:30 ng hapon, ang Presidente ng chile na si michelle bachelet.
Lumapag ang eroplano ni President Bachelet sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 kung saan sinalubong siya ng mga opsiayl ng gobyerno kabilang sa pangunguna ni Vice President Jejomar Binay at Department of Social Works and Development Sec. Dinky Soliman.
Kapansin pansin naman ang matinding seguridad sa pagdating ng Pangulo ng Chile. Matapos kasing maabutan ng bulaklak ang Presidente at makipag-kamayan sa mga opisyal ng Pilipinas, agad na itong isinakay sa sasakyan.
Si Chilean President Bachelet, ang kauna-unahang head of economy na dumating sa bansa para sa APEC summit 2015.
By: Jonathan Andal