Patuloy ang paghingi ng tulong ng Chile sa ibang bansa kaugnay sa pananalasa ng forest fire dahil sa matinding init ng panahon.
Ayon sa Pangulo ng Chile, malaking pondo ang kakailanganin para tuluyang maapula ang wildfire na sumira na sa halos isandaan at anim napung libong (160,000) ektarya ng lupain sa Central Chile.
Nasa halos apat na libo (4,000) katao na rin ang kanilang nailikas mula sa naturang lugar.
Una nang nakapagbigay ng tulong sa Chile ang Amerika, France at Mexico.
By Judith Larino
Photo Credit: AFP