Hindi hahantong sa digmaan ang aagawan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
Pananaw ito ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua.
Ayon sa Chinese Ambassador, wala sa polisiya ng China ang manggiyera ng ibang bansa.
Binigyang diin ni Zhao na hindi dapat maging military issue ang territorial dispute sa West Philippine Sea dahil sa isa aniya itong isyung pulitikal at diplomatiko.
By Ralph Obina