Pinag-uusapan na ng China at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang pagbuo ng hotline kaugnay sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ang hakbang ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Charles Jose ay kasabay nang pagpupulong ng senior diplomats mula China at ASEAN sa Tianjin.
Sinabi ni Jose na ibinalik ang usapin sa joint working group at hindi pa naisapinal.
Isinusulong din ng iba pang bansa na kabilang sa ASEAN tulad ng Indonesia, Cambodia, Laos, Myanmar, Singapore at Thailand ang pagtatatag ng code of conduct kasama ang China para maiwasan ang karahasan sa pinag-aagawang teritoryo.
By Jaymark Dagala