Nakatakdang maglunsad ng war games ang China at Russia sa South China Sea sa Setyembre.
Ginawa ng Defense Ministry ng Beijing ang pahayag kasunod ng hatol ng Arbitral Tribunal na nagbabasura sa claims ng mga Tsino sa rehiyon.
Nilinaw naman ni Defense Ministry Spokesman Yang Yujun na ang naval exercises ay “routine” lamang at walang pupuntiryang kampo o bansa.
Matatandaang nagdesisyon ang Permanent Court of Arbitration sa The Hague na walang legal na basehan ang claims ng China sa nabanggit na teritoryo na nakapaloob sa “nine-dash line.”
By Jelbert Perdez