Mistulang naghamunan ng digmaan ang China at Taiwan.
Nag-ugat ito sa naval combat drills na isinasagawa ng China People’s Liberation Army sa East-China Sea na tatagal ng limang araw.
Isinagawa ang aktibidad malapit sa Strait of Taiwan na layuning protektahan ang territorial sovereignty ng Tsina sa East Sea.
Sisimulan naman ng Taiwan ang kanilang live-fire drills na tinawag na “hAn kUang” o “Han Glory” sa Hunyo 4.
Bagaman isang self-governing state ang Taiwan, nanindigan ang Tsina na bahagi pa rin ito ng kanilang teritoryo.
—-