Nagkasundo ang US at China armies ng mga dapat pag-usapan sa isang diyalogo para makabuo ng bagong guidelines kapag lumipad ng malapit sa isa’t isa ang kanilang mga sasakyang panghimpapawid.
Matatandaan na noong nakaraang buwan, iprinotesta ng China ang US dahil sa di umano’y pagpapalipad ng spy plane na may kasamang television crew malapit sa ginagawang artificial islands ng China sa South China Sea.
Ayon kay Guan Youfei, Director ng Foreign Affairs Office ng China Defense Ministry ng China, maaaring magamit ang anumang mapagkakasunduan sa diyalogo para sa joint exercises ng US at China.
Ang paglagda sa dialogue pact ng China at US armies ay naganap, tatlong buwan bago ang planong pagbisita sa Estados Unidos ni Chinese President Xi Jinping.
By Len Aguirre