Nagpa plano umano ang China na magtayo ng sariling environmental monitoring station sa pinag aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon sa isang Chinese top official sa Sansha City ang nasabing monitoring station ay itatayo sa anim na isla ng disputed island kabilang na sa Scarborough Shoal.
Magugunitang nadiskubre ang tatlong buwan nang pananatili ng isang survey ship ng China sa Benham Rise.
By: Judith Larino