Bibigyan ng sapat na panahon ng Malakanyang ang China para tumugon sa inihaing diplomatic protest kaugnay sa presensya ng Chinese vessels sa Pag-asa Island.
Ito ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo ay para hindi makumpromiso ang magandang ugnayan ng China at Pilipinas sa sektor ng kalakalan.
Hindi naman tinukoy ni Panelo kung ilang araw o buwan ang palugit na ibibigay sa China para tumugon sa protesta.
Sinabi ni Panelo na hindi naman uubrang habambuhay na manatili sa Pag-asa Island na sakopy ng Pilipinas ang Chinese vessels.