Binalaan ng China ang Amerika na itigil na ang pagpapadala ng mga barkong pandigma sa South China Sea.
Ito ay matapos na mamataan ang paglalayag ng 2 U.S. warship sa Mischief reef at Paracel Island sa magkasunod na araw.
Ayon sa China, provocative ang pagkilos na ito ng U.S. at maari itong magdulot ng tensiyon.
Una nang iginiit ng Amerika na nagsasagawa lamang sila ng freedom of navigation operations sa pinag-aagawang teritoryo ng China, Pilipinas, Vietnam, Malaysia, Brunei at Taiwan.