Ibinunton ng China sa Amerika ang sisi kung bakit sila nagtatayo ng mga military facilities sa mga pinagtatalungan teritoryo sa West Philippine Sea
Ayon kay Chinese Ambassador to the United Kingdom Liu Xiao Ming, nakaramdam aniya sila ng takot sa Amerika nang magpadala ito ng mga barkong pandigma at mga military aircraft malapit sa kanilang teritoryo
Itinayo lamang aniya ng China ang mga nasabing pasilidad upang pangalagaan at bantayan ang kanilang teritoryo sa nasabing karagatan
Una rito, umapela ang China sa mga bansang katulad ng Amerika na huwag panghimasukan ang sigalot ng mga bansa sa Timog Silangang Asya partikular na ng Pilipinas at China
By: Jaymark Dagala