Bukas ang China na makipag-usap sa Pilipinas kaugnay sa pinag-aagawang teitoryo sa West Philippine Sea.
Ayon kay Chinese Ambassador Zhao Jianhua, hindi naman isinara ng China ang kanilang pinto sa pakikipag-dayalogo at nanatili naman itong bukas sa pakikipag-usap.
Aniya, makabubuting muling bumalik sa bilateral talks ang magkabilang panig upang mapayapang maresolba ang usapin.
Malabo naman ito para sa gobyerno ng Pilipinas dahil na rin sa napakatatag na pag-aangkin na ginagawa ng China.
Bukas ay nakatakdang magharap ang dalawang bansa sa oral arguement sa permanent court of arbitration sa The Hague, Netherlands.
By Rianne Briones