Tinawag na iresponsable ng China si Senador Ralph Recto makaraang akusahan nito ang ilang Tsino umano ang sangkot sa hacking.
May kaugnayan ito sa 81 million dollars na ninakaw mula sa account ng Bangladesh Central Bank sa New York.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesman Lu Kang, mas mainam para kay Recto na suportahan ng ebidensya ang kanyang pahayag kaysa sa magpakalat ng haka-haka sa usapin.
Magugunitang inihayag ng senador sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa money laundering scandal na may isang grupo ng mga Tsino ang nasa likod ng pagnanakaw ng pondo at ibinabagsak umano ito sa Pilipinas.
Bagama’t aminado si Recto na hindi pa napapatunayan kung mga Tsino nga ang mga naturang hackers, tila ito aniya ang lumalabas sa kanilang isinasagawang pagdinig.
By Jaymark Dagala