Binalikan ng China ang G7 o Group of Seven Nations na bumanat dito sa isyu ng reclamation at iba pang aktibidad sa mga karagatan.
Sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesman Hong Lei na walang karapatan ang G7 sa hakbang ng China na magpatayo ng mga istruktura sa West Philippine Sea at walang sinumang bansa ang makakapigil sa kanilang reclamation.
Iginiit ni Hong na ang Nansha Islands at Reefs ay nasa teritoryo ng China kaya’t hindi ito dapat pinapakialaman ng ibang bansa.
Ang G7 na nagpupulong sa Germany ay kinabibilangan ng United States, United Kingdom, Canada, France, Germany, Italy at Japan.
By Judith Larino