Dedma ang China sa panawagan ng Pilipinas at Amerika na sumunod ito sa naipanalong kaso ng Pilipinas noong 2016 kung saan sinasabing ilegal ang pag-angkin ng China sa halos kabuuan ng South China Sea.
Ito’y matapos igiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi negotiable ang naging hatol ng korte kaya’t dapat itong sundin ng China.
Malaya pa rin kasing nakapaglalayag ang barko ng China sa dagat na parte na ng teritoryo ng Pilipinas.
Batay sa pahayag ng Embahada ng China sa Pilipinas, nakasaad dito na hindi kinikilala ng China ang naturang hatol ng international court at malinaw na patuloy nilang paninindigan ang kanilang posisyon ukol sa isyu.