Nanindigan ang China na hindi sila makikibahagi sa arbitral hearing kaugnay sa territorial dispute sa West Philippine Sea.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokeswoman Hua Chun Ying, kailanma’y hindi nila tatanggapin ang alok na makibahagi sa hearing kaugnay sa kasong inihain ng Pilipinas laban sa Tsina.
Inihayag na aniya ng kanilang bansa ang naturang issue sa position paper ng Chinese government noong Disyembre kaya’t wala ng saysay ang pakikibahagi nila sa arbitral hearing ng United Nations sa The Hague, Netherlands.
Nito lamang Martes nang simulan ng permanent court of arbitration ng UN sa The Hague, Netherlands na dinaluhan ng ilang pangunahing government official ng Pilipinas subalit inisnab naman ng Tsina.
By Drew Nacino