Muling nanindigan ang China na hindi nila kikilalanin ang desisyon ng arbitral court na pumapabor sa Pilipinas sa isyu ng West Philippine Sea.
Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang muling igigiit ang arbitral ruling sa kanyang muling pagbisita sa China.
Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua, mananatili ang posisyon ng China na hindi kilalanin ang ruling ng international court ukol sa karapatan ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo.
Sa kabila nito, sinabi ni Zhao na ang dapat na maging sentro ng diplomatikong ugnayan sa pagitan ng China at Pilipinas ay ang mga bagay na parehong pakikinabangan ng pag-unlad ng dalawang bansa at mamamayan nito.
Nakatakdang bumiyahe si Pangulong Duterte sa ika-limang pagkakataon sa China ngayong buwan.