Nanindigan ang China na hindi ito tatalima sa anumang ilalabas na desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, The Netherlands.
Ito ay kaugnay ng reklamong inahin ng Pilipinas laban sa China na may kinalaman sa pinag-aagawang West Philippine Sea.
Iginiit ni Chinese Foreign Ministry Spokesman Hong Lei, na nananatili ang posisyon ng Beijing na labas sa hurisdiksyon ng Arbitration Court ang mga isyung may kinalaman sa territorial sovereignty at maritime delimitation.
Sinabi pa ng Chinese official na hindi tunay ang pagnanais ng Pilipinas na maresolba ang sigalot sa West Philippine Sea dahil sa ang paghahain aniya ng kaso sa Arbitration Court ay isang malinaw probokasyon sa ilalim ng kanilang mga batas.
By Ralph Obina