Idinepensa ng China ang umano’y pagtatayo nila ng mga parola o light houses sa mga artipisyal na isla sa West Philippine Sea.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesman Lu Kang, ginagawa aniya nila ito upang makatulong sa pagtitiyak ng isang malaya, ligtas na paglalayag sa bahaging iyon ng karagatan.
Makatutulong din aniya ang mga parola sa aspeto ng kalakalan sa rehiyon gayundin sa mga bansa sa labas ng Asya na dumaraan doon.
Magugunitang pinangunahan ng Chinese Transport Ministry ang tinawag nilang completion ceremony sa Subi Reef kung saan itinayo ang may 180 talampakang parola na sinimulan pa noong Oktubre ng nakalipas na taon.
By Jaymark Dagala