Dumipensa ang gobyerno ng China sa ginawang panghihimasok ng kanilang barko sa Sulu Sea.
Ayon kay Zhao Lijian, tagapagsalita ng chinese foreign ministry, consistent ang china pagsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (unclos).
Habang ligtas at standard ang kanilang ginawa na kailangang suriin sa paraang objective at rasyonal.
Una nang ipinatawag ng Pilipinas si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian matapos ang inisidenteng nangyari sa sulu sea noong Enero 29 hanggang Pebrero 1. - sa panulat ni Abby Malanday