Nagpasaklolo ang Chinese embassy sa PNP kaugnay sa tumataas na kaso ng kidnapping na kinasasangkutan ng Chinese nationals.
Ang nasabing concern ng embahada ay ipinaabot ni Wang Xiaohong, executive vice minister ng MPS o Ministry of Public Security ng China kay PNP chief Guillermo Eleazar sa isang video conference.
Tiniyak ni Xiaohong ang pakikipag-ugnayan ng MPS sa PNP para palakasin ang investigation, information sharing at case transfer para mahuli at mapanagot ang mga sangkot sa kidnapping at iba pang kasong kinasasangkutan ng Chinese nationals.
Nagkasundo rin ang magkabilang panig na magsasanib-puwersa kontra sa iba pang krimen tulad ng cross border gambling, telecom and internet fraud, robbery at homicide sa pamamagitan nang regular na pagpupulong.
Bukod pa ito sa technical cooperation sa drug control, counter terrorism at law enforcement capacity building.