Hindi na maaaring umere sa Germany ang China Global Television Network o CGTN.
Ito ang inihayag ng North Rhine-Westphalia ilang araw matapos bawiin ng Britanya ang ibinigay nitong broadcast license sa Chinese state channel.
Ayon sa media authority, dahil galing sa British regulator na Ofcom ang lisensya ng CGTN ay hindi na ito maaaring umere pa sa kanilang bansa.
Wala pang inilalabas na pahayag ang broadcast firm ukol sa nasabing usapin.