Handang-handa na ang China para sa 2022 Winter Olympics na gaganapin sa Beijing.
Gayunman, namemeligro ito dahil sa kaliwa’t kanang protesta laban sa human rights record ng China.
Una nang ipinanawagan ng mga rights groups at mga mambabatas sa US na ipagpaliban ng International Olympic Committee ang games at ilipat na lamang sa ibang lugar.
Ito’y kung hindi ititigil ng china ang umano’y genocide laban sa mga Uyghur at iba pang muslim minority groups.
Samantala, isasagawa ang turnover sa makasaysayang bayan ng Olympia, sa Greece pero walang spectators.
Lalarga sa Pebrero 4 hanggang 20 ang Winter Olympics.—sa panulat ni Drew Nacino