Nakahandang magbigay ng relief assistance ang China para sa mga naging biktima ng magnitude 6.7 na lindol sa Surigao City na ikinasawi ng walong indibidwal.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Geng Shuang, bukod sa relief assistance, magkakaloob din ang Red Cross Society of China ng humanitarian assistance na nagkakahalaga ng 50,000 US dollars.
Una rito, nagpaabot ng pakikiramay si Chinese Foreign Minister Wang Yi kay foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay para sa mga naging biktima ng lindol sa Surigao.
By Meann Tanbio