Nagbanta ang China na handa itong makipag-giyera upang mapigilan ang deklarasyon ng kalayaan ng Taiwan.
Ibinabala rin ni chinese defense minister Wei Fenghe na namemeligro ring madamay sa kanilang internal issue ang mga bansang nanghihimasok, tulad ng USA.
Sinuman anyang magtangkang itiwalag ang Taiwan sa China ay tiyak na kanilang sasagupain anuman ang mangyari.
Iginiit din ng chinese official na walang makapipigil sa Reunification ng China at Taiwan.