Handang makiisa ang China, partikular si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua, sa pagbibigay tulong sa Administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paglaban sa ilegal na droga.
Ayon kay Ambassador Zhao, ang illegal drugs ay kaaway ng bawat isa.
Nauunawaan, aniya, ng China ang kampaniya ng gobyerno laban sa mga krimeng sanhi ng illegal drugs.
Samantala, hindi naman nilinaw ng Chinese ambassador kung anong tulong ang kanilang ibibigay.
Kaugnay nito, sinabi ni Zhao na sa sa usapin lamang naman ng South China Sea magkaiba ang Pinas at China at hindi sa paglaban sa kriminalidad.
Samantala maaalala namang ilang tsino rin ang nasasangkot sa ilegal na droga sa bansa.
By: Avee Devierte / Allan Francisco