Handa ang China na makipagdiyalogo sa Pilipinas kaugnay sa joint oil and gas explorations sa South China Sea.
Ito ang tiniyak ni Chinese President Xi Jinping kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasabay ng tatlong-araw na state visit ng pangulo ng Pilipinas sa Beijing.
Ang pag-aangkin sa teritoryo sa South China Sea, na mayaman sa langis, gas at isda ay naging sanhi ng tensyon sa pagitan ng China at ilang bansa sa Southeast Asia, kabilang ang Pilipinas.
Ayon kay Xi, handa sila na maging katuwang ang Pilipinas para sa paggalugad sa yamang langis at gas sa pinagtatalunang lugar ng dagat, maging sa solar at wind energy at pagdagdag sa pag-import ng mga produktong pangisdaan.
Matatandaang noong Agosto, unang sinabi ng administrasyong Marcos Jr. na pag-aaralan nila ang panukalang magsagawa ng joint oil at gas explorations kasama ang China sa West Philippine Sea (WPS).