Handang makipag-tulungan ang China Sa association of Southeast Asian Nations o ASEAN upang mawalis ang mga sagabal sa usapin ng maritime dispute sa South China Sea.
Ito ang inihayag ni Chinese Premier li Keqiang sa 28th at 29th ASEAN summit sa Vientiane, Laos.
Naging maayos ang pulong sa pagitan ng mga opisyal ng ASEAN leader at ni Li subalit hindi na idinetalye ng Chinese official kung anong mga bansa ang tinutukoy nitong nakikisawsaw sa issue.
Hindi na rin inungkat sa pulong ang naging desisyon ng permanent court of arbitration sa inihaing reklamo ng Pilipinas laban sa Tsina.
By: Drew Nacino