Handa ang China na maglunsad ng matinding aksyon sa oras na magkisawsaw ang Japan sa maritime dispute na maaaring magresulta sa kaguluhan sa West Philippine Sea.
Ito ang babala ng Tsina sa ginta ng pinaplanong pag-stop over ng pinaka-malaking warship ng Japan na Izumo Class Helicopter Carrier sa Subic, Zambales sa Pilipinas, Singapore, Indonesia at Sri Lanka.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokeswoman Hua Chunying, sa oras na malagay sa kompromiso ang soberanya at seguridad ng Tsina ay hindi nila maiiwasang maglunsad ng military action.
Isasagawa ng Japanese maritime self-defense force ang port call visits bago lumahok sa Malabar joint Naval exercise ng Indian at US Naval vessels sa Indian Ocean sa Hulyo.
Ito ang pinaka-malaking show of force at maritime activity ng Japan sa Asya-Pasipiko simula noong World War 2.
By: Drew Nacino