Hinamon ni Senador Richard Gordon ang China na ipakita ang sinseridad nito kung talagang nais nito na maging kaibigan ng Pilipinas.
Ito ang reaksyon ng senador bilang pagsuporta sa hakbang ng Department of Foreign Affairs (DFA) na naghain ng diplomatic protest laban sa China.
Magugunitang ibinunyag mismo ng Western Command (WESCOM) ng Philippine Navy na nasa 200 mga fishing vessel ng China lulan ang ilang militia ang nakapaligid sa Pag-asa Island na kontrolado ng Pilipinas.
Para kay Gordon, hindi maituturing na kaibigan ng Pilipinas ang China dahil sa ginagamit nito ang lakas at puwersa para gipitin ang mga Pilipino sa sarili nitong teritoryo.
Kaya naman, iginiit ni gordon na dapat palakasin ng Pilipinas ang sandatahang lakas ng bansa nang sa gayon aniya ay maka-ani ng respeto at paggalang ang bansa mula sa international community lalong lalo na sa China.