Hindi pinayagan ng bansang China na makadaong sa pantalan ng Hong Kong ang dalawang navy ships mula sa Estados Unidos.
Ayon sa report, hindi pinayagan ang mga barko dahil sa patuloy na kilos protesta at gulo na nangyayari sa Hong Kong.
Ngayong buwan sana nakatakda ang pagdaong ng unang barko habang sa unang bahagi ng Setyembre naman dadating ang guided missile cruiser na Lake Erie sa lugar.
Matatandaang noong Setyembre ng nakaraang taon ay hindi rin pinayagan ang pagdaong ng isang assault ship ng Estados Unidos sa Hong Kong.