Handang ibasura ng Beijing ang anumang magiging desisyon ng International Arbitral Tribunal sa isinampang kaso ng Pilipinas kaugnay sa pag-angkin ng China Spratly Islands.
Ito ang inihayag ni Rear Admiral Guan Youfei, Director ng Foreign Affairs Office ng Chinese National Defense Ministry sa isinasagawang ASIAN security summit sa Singapore
Ayon kay Guan, wala sa hurisdiksyon ng United Nations Arbitrary Court ang territorial dispute sa South China Sea.
Hindi naman anya isinama sa reklamo ang territorial at sovereignty disputes kaya’t naniniwala sila an iligal ang arbitration kaya’t hindi makikibahagi ang China o tatanggapin ang anumang desisyon ng UN.
Inaasahang ilalabas ngayong taon ang desisyon ng International Tribunal Court sa reklamo ng Pilipinas laban sa China.
By: Drew Nacino