Hinimok ni US President Donald Trump si Chinese Leader Xi Jinping na pagsumikapang mabuti na kumbinsihin ang North Korea na isuko na ang kanilang mga armas nuclear.
Maliban dito, iginiit ni Trump sa China na i-pressure nang husto ang NoKor.
Sinabi ni Trump na hindi niya masisisi ang China sa pananamantala umano nito sa Estados Unidos sa usapin ng kalakalan.
Una dito, nagkaraoon ng pagkakataon ang dalawang lider ng naturang mga bansa na mag-usap bilang bahagi ng Asian tour ni Trump.
Samantala, kapwa inanunsyo naman nina Xi at Trump na lumagda sila sa 250 bilyong dolyar na business deal na resulta ng kanilang pagpupulong.