Pinaghihinay-hinay ng Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat sa paninisi sa China sa tuwing may nakakapasok na illegal drugs sa bansa.
Ayon sa Pangulo, dapat magkaroon muna ng malalimang imbestigasyon bago sisihin ang China.
Sinabi ng Pangulo na posibleng ginagamit ng Asian Triad, Mexican Sinaloa at Colombian Medellin drug cartels ang containers ng mga lehitimong importers para magpuslit ng droga sa bansa.
Kawawa aniya ang mga lehitimong importers kung sila ang makakasuhan gayung pinagsamantalahan lamang ng mga kandidato ang kanilang mga containers.
—-